Ang aking kapitbahay may sikretong
taglay, kinikilos
ay kakatwa.
Palagiang sarado ang kanyang pinto at
bintana.
Sa gabi lamang siya lumalabas,
at nagkukulong naman sa umaga.
Makakaulinig ako sa kanyang bahay
ng mga kalabog.
Kaya naman ako ay hindi makatulog.
May mga usal ng paghahangad
at mga pangarap.
Yan ang mga naririnig ko kapag
siya ay nagdarasal.
Minsan naman ako ako ay nabibingi
sa katahimikan,
mukhang ang kapitbahay ko ay
wala sa kanyang tahanan.
Kaya ako ay bumuo ng plano,
pag labas nang aking kapitbahay
siya ay susundan ko.
upang malaman
kanyang sikreto.
Ang kapitbahay ko ay kay tulin maglakad,
halos wala kang madinig
na mga yabag.
Sa kabilang kanto siya dadaan,
doon ko siya nasipat.
Kaya sa madaling sabi ako ay nagshorcut
upang siya ay aking masabat.
Sunod na tagpo siya'y aking nadali,
siya ay aking nasakote.
Ako ay nag-alinglangan ng kaunti.
sapagkat mukha ay may tabing,
kita lamang ang mga labi.
Hindi siya sumagot nang aking
siyang tinawag.
Nais ko sana siyang makadaop-palad.
Hindi din siya kumikilos,
para siya isang estatwa.
Kaya ako ay lumapit na sa kanya.
Inalis ko ang tabing sa kanyang mukha.
Napasigaw ako nang
alisin
ang tabing, sapagkat
sa sarili
kong mukha ako
nakatingin.
No comments:
Post a Comment