Friday, April 26, 2013

Maralita

Sumisipol sa gutom ng katawan,
dinidighay ay kaluluwa sapagkat walang laman.
Mga mata ay nakapako sa kawalan.
Lumilipas ang araw at gabi walang pagkaing natikman.

Ganyan kaming mga anak maralita.
Sa tanikala ng kahirapan kami ay hindi makawala.
Hindi taglay kailangan na sandata.
Sapagkat kami ay salat, kahit edukasyon sa ami'y wala.

Paraiso'y tagpingtagping dingding.
Mga yero ay butas, mga gulong lamang ang tumatabing.
Nakatayo sa esterong madilim.
Sa may ilalim ng tulay mga ipis at daga ang silang kapiling.

No comments:

Post a Comment